Wednesday, July 21, 2010

MLTR Live & Acoustic


If ur going to ask me what was in my cassette player 20 years ago then it would have been Michael Learns To Rock!...Maalalang ilang beses din silang nagpabalik-balik dito sa Pinas for a series of concert noong dekada nobenta at talaga namang sikat na sikat sila nung panahong yon. Although hindi nila naconquer ang Amerika ngunit namayagpag naman sila sa bansa maging sa ibang parte ng Asya, Europa at Australia.

Okay, I had to admit na nahook din ako sa mga kanta nila na kung tutuusin ay parang english version ng mga kanta ni Idol April Boy Regino na very catchy ang tunog at masang-masa ang dating.

Ayos pa rin namang pakinggan ang mga soft rock/pop sound nila and im pretty sure na alam na alam niyo ang ilan sa mga kantang ito:

THE ACTOR first song na narinig mula sa grupo. Sa music video nito una kong nasilayan ang blonde vocalist nilang si Jascha Ritter!


COMPLICATED HEART baduy pero ok lang


PAINT MY LOVE isa sa mga paborito kong kanta nila



THAT'S WHY YOU GO AWAY naging themesong ito ng isa kong guy friend


OUT OF THE BLUE fave naman ito ng brother ko. i remember lagi nya itong ginigitara



SOMEDAY another great song from the group


Very active pa rin naman ang grupo lalong lalo na sa kanilang bansang Denmark. According to their website, MLTR has an upcoming album to be released later this year. -0
_______________________________________________________________________________