Sunday, September 27, 2009

BAYANIHANG PINOY



Minsan pang napatunayan na pag tayong mga Pinoy ang nalagay sa bingit ng alanganin ay nagkakaisa at nagkakapit-bisig upang makabangon mula sa pagkakalugmok. Sa pagkakataong ito, ang iniwang larawan mula sa paghagupit ng bagyong Ondoy- nabuhay muli sa bawat Pilipino ang masasabi kong isang katangian na siyang dahilan upang malagpasan at malabanan ang bawat pagsubok na dumarating sa atin- ang espirito ng bayanihan.


Mula pa kaninang umaga, ang dalawang malalaking TV station sa bansa ay gumawa ng special coverage para sa rescue operation. Sa pamamagitan ng kani-kanilang hotline ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na mapabilis ang paghingi ng tulong at pagpasa ng impormasyon mula sa kinauukulan. Dito rin nakalikom ng malaki-laking pondo, cash pledges man o goods mula sa iba't-ibang kumpanya. At hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang rescue operation sa tulong ng iba't ibang ahensya ng gobyerno, charitable organizations, the NDCC, mga pribadong kumpanya at mga volunteers na tumulong na walang anumang inaasahang kapalit.

Nakatutuwang isipin at tingnan na ang bawat pinoy- mula sa iba't-ibang antas ng lipunan, mga estranghero, mga magkapitbahay na dati-rati'y magkakakilala lang, mga negosyanteng mula sa malalaking kumpanya hanggang sa maliliit na sari-sari store ay bukas-kamay at handang tumulong sa mga biktima ng kalamidad.

ANG PAGKATAO NG BAWAT PILIPINO AY ANG NAMAMALAS NATIN NGAYON.

U2 feat. Mary J. Blige- O N E



Hindi makasarili; handang ibuwis ang buhay para makatulong-- isusubo na lang ibibigay pa sa mga mas nangangailangan.



SA IPINAMALAS NG ATING MGA KABABAYANG PILIPINO SA MGA GANITONG PAGKAKATAON AY NANGANGAHULUGAN LAMANG NA MAY PAG-ASA PANG HINAHARAP NG ATING INANG BAYAN.

5 comments:

  1. Korak ka jan! Pag meron ganyan sakuna nagkakaisa ang mga pilipino! Only in the philippines lang yan!

    ReplyDelete
  2. ganyan talaga ang mga pinoy. pero sana sa lahat ng oras nagtutulungan. sana ok lang kayong lahat!

    ReplyDelete
  3. tlaga! isang maipagmamalaking pagkatao ng mga pinoy

    ReplyDelete
  4. hey there, thank you for the visit, yeah we all filipinos love to help. and i am lucky to be one..

    ReplyDelete
  5. tama ka dyan von! likas sa ating mga pinoy ang pagdadamayan lalo na kung tayo na mismo ang apektado. sana nga lang sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo lahat...

    ReplyDelete