Tuesday, June 28, 2011

OPM FAVES!


Tagal na palang di me nagpopost ng opm songs dito sa aking munting blog, kaya ngayon hayaan nyo kong ishare ang hindi lang isa kundi apat na kantang pinoy na kasalukuyang kong kinahuhumalingan ngayon. Tsek nyo baka peyborits nyo rin mga ' to!


ELMER by GLOC 9 bagong kanta ni Aristotle Pollisco aka GLOC 9! Walang duda na isa sya sa pinakamagaling na pinoy rapper ngaun at ibang level ang songwriting skills nya. Kung paano niya inincorporate ang mga current issues, good values and sometimes poetic messages nya sa lyrics with enchanting melodies ay talaga namang sobrang nakakabilib!


WALA NA TAYO by KEAN CIPRIANO
not a fan of CallaLilly pero naging instant fan ako ni kean nung unang mapanood ko itong performance nya sa Myx! Love the song kasi napaka-catchy at ung lyrics masang-masa!



PORQUE by MALDITA kung di pa nag #01 ito sa isang regional fm station ay hindi ko malalaman na meron palang bandang Maldita (all i know na pwedeng mag associate sa word na yan sa kin ay my 2 pamangkin at ung launching movie ni ara mina noong circa 90's! :D). But now im getting to know this Zamboanga natives at magagaling sila ha?...Wish ko lang na mag guest sila on TV para makapasok sila sa mainstream.


OMG by KARYLLE kahit nag-ala kesha si karylle sa kantang ito i cant help myself to dance! nag-enjoy ako dito pramis!!..=)


-happy soundtrippin!-
_________________________________________________________________________________