Dalawang tulog na nga lang at PASKO na!...Halos lahat yata ay excited sa pagsapit ng araw na yon pero ang inyong lingkod ay kabaligtaran ang nararamdaman. Yez, hate na hate ko talaga ang pasko!... as in kinaiinisan ko talaga ang araw na ito!
Kung pwede lang sanang maghibernate sa mga lugar na walang ganitong okasyon at walang iiwanang responsibilidad na nakaatang sa balikat ay matagal ko ng ginawa!...Pero ikaw gusto mo bang malaman kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko tuwing dumarating ang pasko?...Well ipagpatuloy mo na lang ang pagbasa.
Pag pasko ang kasingkahulugan niyan ay araw ng mga paggastos!...dahil nakatanim na sa ating isipan na ito ay araw ng pagbibigayan kaya hayan at di tayo magkandaugaga sa pagbili ng mga panregalo. Okey lang sana kung para sa pamilya pero nandyan pa ang mga pamangkin, mga inaanak, officemates at kung sinu-sino pa na kung minsan ay hahadaan ka pang regaluhan sila. At kung wala ka namang ibibigay ay ikaw pa ang lalabas na masama at paparatangang madamot, kuripot, walang puso at kung anik anik pa...At syempre pag mga ganitong tyempo ay hindi talaga uso ang tipid tipid. Mula sa pagkain, kuryente, tubig, isama mo na ring ang pagconsume mo ng load/telepono--lahat yan lumulobo! Okey lang siguro kung isa kang empleyado ng gobyerno o kahit s a pribadong kumpanya at least may aasahan kang bonus at 13-month pay, pero kung ikaw na may mga taong nagtatrabaho sa yo, mahirap gawin na di ibigay ang mga bagay na talagang inasahan na nila.
Nandiyan din ang mga nangangaroling. Oks lang pag mga batang makukulit at kahit paulit-ulit basta ba okey ang mood ko pero kung mga matatanda na ginagamit ang pagiging indigenous kuno, konting tambol tambol lang sa iyong harapan (sori di ko alam ang pangalan ng instrument, un bang ginagamit sa pag-"tadek" in iloko) at konting sayaw, presto- datung na! Dumarami din ung mga taong harap-harapan kang lokohin gaya ng bibigyan ka ng sobre o isang papel na may nakasulat na kesyo nagsosolicit sila ng tulong para sa isang foundation..grrr! pag pasko talaga naglalabasan ang mga mandurugas!
Bukod dyan tuwing pasko ay nasisira din ang aking diet!...Ako na isang tabaing tao, nalingat lang sa pagdidyeta at pag-eexercise ay agad na mamumutiktik sa aking katawan ang mga taba at madadagdagan ang aking timbang! Sa dami ng mga pagkaing nakahilera sa iyong harapan ay talagang ibayong hirap sa pagkontrol sa sarili ang kinakailangan.
Isa pang dahilan kung bakit hate ko ang pasko ay ang pagdoble ng pressure sa trabaho. Lahat ay double time mula sa ordinaryong working day kaya naman sa gabi ay super stress ang byuti ko at pag umatake pa si Mang Insomnia ay ngarag na talaga ko kinabukasan.
Pero siyempre pag mga ganitong okasyon naman ay di ring maiwasang makinig at magpatugtog ng mga kantang pamasko...Gaya na lamang ng isang awiting ito ni Ka Freddie na tuwing nakaplay at lumalabas mula sa 'king music player ay medyo pinagmuni-muni niya ako...Idol talaga si Ka Freddie Aguilar dahil lumikha sya ng isang napakaganda at kaaya-ayang awiting pampasko.
#___________________#_______________________#
kalma lang parekoy... hehe. kahit na di mo masyado hilig ang pasko, babatiin pa rin kita ng merry christmas :P
ReplyDeletemr. nightcrawler: ganun lang yata pag malamig ang xmas hehe!...nway, salamat na rin sa pagbati! :D
ReplyDelete