Tuesday, October 6, 2009

ANG GALING MO, ARNEL!!!


Napatunayan na sa buong mundo na pagdating sa kantahan tayong mga Pinoy ay talaga namang pang-world class ang dating!...Mantakin mo? Ang mga chart toppers sa music scene ngayon gaya ng Black Eyed Peas at Pussycat Dolls- ay may mga pinoy na miy
embro. Si Cassie, Vanessa Hudgens, Enrique Iglesias na kahit na sabihin mong mga half breed e at leasts may dugong pinoy pa rin na nananalaytay sa kanilang mga ugat. Isama mo na rin dyan sina Lea Salonga, Charice Pempengco, mga idolz na sina Ramiel Malubay, Camille Velasco at Jasmine Trias na talaga namang nagbigay parangal sa atin bilang Pilipino at naipagmalaki natin sila sa buong mundo.

Siyempre kasama rin dyan ang isa pa nating kababayan na si ARNEL PINEDA na bilang panibagong lead vocalist ng bandang JOURNEY e patuloy na namamayagpag sa international music scene. Noong Lunes October 5, nag-guest si Arnel at ang banda sa isa sa mga pinakatanyag at top-rated show sa Amerika ang OPRAH. At talaga namang bumilib na naman si Mareng Oprah Winfrey sa talento ng Pinoy pagkatapos niyang kantahin ang isa sa mga classic song ng banda ang "Dont Stop Believing".
Panoorin ang mga videos dito:



Gayang-gaya niya talaga ang boses ni Steve Perry pero who cares?...at least napatunayan ni AP na karapat-dapat siyang pumalit sa kanya.

Kaya to you Arnel-- Go go go!...Ipagpatuloy mo lang na ibandera sa buong mundo ang lahi nating mga matsing este mga Pinoy pala! :D

proud pinoy!