Monday, November 15, 2010

BRUNO MARS Addict!

Nasabi ko na ba sa inyong super like ko talaga si Bruno Mars?...Pasensya na, masyadong nahuhumaling kay papa BM kaya heto na naman tayo...Isa na namang post ng mga kantang mula sa kanyang unang album na pinamagatang Doo Wops and Helligans. Kung wala pa kayong kopya nyan, bili na dahil siguradong mawiwindang din kayong tulad ko sa taglay na talento ng ating kanoyping ito!

Pakinggan ang kanyang mga awitin dito:

JUST THE WAY YOU ARE kung nainlab kayo sa album version, im sure magugustuhan nyo rin tong acoustic mix nya



GRENADE okey to as a follow up single. Pinakita niya ang kanyang rnb side sa kantang ito.



THE LAZY SONG
pansin nyo ba ang pagkakahawig nya kay Michael Jackson nung kabataan nito?...well sana magtuloy tuloy pa ang pag-arangkada ng career nya dahil sa totoo lang, isa siya sa hinuhulaang magiging music icon in the future ...


Gusto nyo bang makuha ang mga kantang yan?...mag email lang sa akin o magkomento sa ibaba at ipapadala ko sa inyo ang mp3 version ng mga yan!...Happy Monday everyone!!! =)

#________________________#__________________________#_________________________#