Sunday, September 26, 2010

NEW IDOL JUDGES


So, it's official! Sina Jennifer Lopez at Steven Tyler na ang pinakabagong judge sa American Idol Season 10. Makakasama pa rin nila dito ang natitirang pioneer judge na si Randy Jackson at Idol host Ryan Seacrest.


Excited pa ba kayo dito? Magki-click naman kaya ito sa viewers at rating games lalo na't parating na rin ang isa pang talent search na X Factor na pinamumunuan ng dating hurado na si Simon Cowell?

In fairness, may K naman ang dalawa: sa recording career ni Lopez ay nakapagproduced na siya ng eight charttopper singles including four #o1's at anim na album na may kabuuang 25 million sales worldwide. Samantalang si Tyler, bilang bokalista ng isa sa pinakasikat na rock band sa mundo, ang Aerosmith ay di na kelangang mag-elaborate pa kung gaano kalaki ang artist na 'to. Personally, kaabang abang pa rin ang programa dahil kay Steve!!!

Ang American Idol Season 10 ay mapapanood pa sa Enero 2011...Heto ang ilang kantang pinasikat ng dalawang bagong hurado:

JENNIFER LOPEZ- LET'S GET LOUD di ko mapigilang mapasayaw eveytime na naririnig ko 'to!




AEROSMITH- AMAZING grabe ang acoustic na ito...classic!!!




#______________________#_________________________#__________________________#____________________#